Sangkot sa Makati quarantine breach, tatalupan ng PNP

Sangkot sa Makati quarantine breach, tatalupan ng PNP

January 1, 2022 @ 8:57 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nangyaring quarantine breach sa hotel sa Makati City at kakasuhan naman ang mga mapatutunayang lumabag, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na inatasan na sila nina Interior Secretary Eduardo Año at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na kasuhan ang mga nasa likod nito.

“CIDG is directed to file appropriate case/s against Ms. Chua, the hotel owners and management, BOQ [Bureau of Quarantine] personnel, etc.”

Gayundin ay ipinagawa sa PNP na mag-inspeksyon sa mga taong naka-quarantine sa kani-kanilang hotel.

“The PNP was mandated to ensure public safety, will do the rounds, inspection, and accounting of persons under quarantine in the designated hotels-quarantine facilities.” RNT/FGDC