Sangla-ATM ipagbabawal ni Tulfo

Sangla-ATM ipagbabawal ni Tulfo

March 1, 2023 @ 9:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Raffy Tulfo nitong Martes ang Senado na imbestigahan ang “Sangla-ATM” scheme ng ilang lending companies kung saan ginagamit ang ATM card ng may utang bilang collateral.

Nais ni Tulfo na ipagbawal ang pagsasangla sa ATM card ng mga retirees, na nagpapahintulot sa nagpapautang na kunin ang card hanggang sa mabayaran ang utang ng umutang.

“I’m looking to propose the prohibition or regulation of the use of SSS (Social Security System) or GSIS (Government Service Insurance System) pension ATM bilang collateral at pagbibigay ng kaukulang parusa,” ani Tulfo.

Noong 2018 pa, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na walang batas na nagbabawal sa pagsangla ng mga ATM card kapalit ng pagkuha ng mga pautang.

Base sa isang 2022 BSP survey ay nagpakita na 2.6 porsyento ng mga indibidwal na kumukuha ng pautang ay sumusunod sa pamamaraang ito. RNT