Sangobion Kids ni-recall ng P&G Philippines

Sangobion Kids ni-recall ng P&G Philippines

December 14, 2022 @ 7:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Boluntaryong ipinabawi sa merkado ng P&G Philippines ang kanilang produktong Sangobion Kids 100 ml (Iron + Vitamin B-Complex) sa bansa dahil sa “potential presence of ethylene glycol.”

Sa pahayag, sinabi ng P&G Philippines na ang recall ay bunga ng kanilang konsultasyon sa Food and Drug Administration (FDA).

“Upon learning of the potential presence of ethylene glycol above the allowable limits in raw material, we decided to take precautionary measures including the voluntary recall of all batches of Sangobion® Kids 100 ml. Though the issue only impacted some batches, we are recalling all batches out of an abundance of caution,” saad sa pahayag.

“Nothing is more important to us than the safety of our consumers and the quality of our products. The potential presence of ethylene glycol in the product may result in adverse drug reactions. That is why even though our inspections and tests are still ongoing, we have decided to proactively recall all batches still in circulation to ensure our consumers only get products that meet P&G’s quality promise,” dagdag pa ng kompanya.

Ayon sa P&G, ang Sangobion Kids 100 ml ay gamit sa paggamot at pag-iwas sa iron deficiency anemia (IDA) sa mga bata at ginagamit din na supplement sa mga kondisyon tulad ng chronic illnesses at convalescence.

Inabisuhan naman ng naturang kompanya ang publiko na ihinto na muna ang paggamit sa naturang produkto at ipinag-utos na rin naman nila sa mga retailers, botika at iba pang health professionals na itigil ang distribusyon, pagbebenta at paggamit nito.

Maaari rin na ibalik ng mga nakabili na ng naturang supplement.

Ang mga batang nakainom ng Sangobion Kids na makararanas ng adverse reactions ay maaaring kumontak sa National Poison Management and Control Center sa (02) 8524 1078, FDA: www.fda.gov.ph, o sa P&G Consumer Care contacts.

Kabilang sa mga posibleng side effects ay ang pagsusuka, diarrhea, sakit sa tiyan, sakit sa ulo, iba pang sintomas ng acute kidney injury, hindi makaihi, lower back pain, irritability, lethargy, pale appearance, decreased muscle tone at kawalan ng ganang kumain.

“As one of the leading consumer health companies in the world, P&G will always comply with the law and regulations where our business operates. We continue to work with the FDA, our customers, and consumers in taking the necessary actions on this matter,” saad pa. RNT/JGC