Santa Ana, Cagayan inilagay sa state of calamity sa bagyong Neneng

Santa Ana, Cagayan inilagay sa state of calamity sa bagyong Neneng

October 17, 2022 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilagay na sa state of calamity ang bayan ng Santa Ana, Cagayan dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Neneng.

Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan nitong Lunes, Oktubre 17 matapos aprubahan ng konseho ang rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang deklarasyon upang mapabilis ang rehabilitasyon at paghahatid ng ayuda sa mga apektadong residente.

Ayon kay Santa Ana Mayor Nelson Robinion, nasa 170 pamilya o 600 katao mula sa 16 na barangay ang apektado ng bagyo dahil sa baha at landslide.

Nagpapatuloy ang inspeksyon ng mga lokal na opisyal sa pinsala dulot ng bagyong Neneng sa kabuhayan ng mga mamamayan doon.

Sa kaugnay na balita, nakaranas din ng malawakang baha ang bayan ng Aparri na nakaapekto sa halos 14,000 katao. RNT/JGC