Santa Maria Magnificent Eagles Club namigay ng helmet

Santa Maria Magnificent Eagles Club namigay ng helmet

January 25, 2023 @ 4:24 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Sa ngalan ng Santa Maria Magnificent Eagles Club sa pangunguna ni Kuya Pres. Ka Solomon ‘Sol’ Jover ay pinagkalooban ng helmet ang dalawang Barangay tanod ng Maysan, Valenzuela City, sa opisina ni Eagle PLTCol Aldrin O. Thompson, kasama sina Eagle Andaya, Eagle Leal, Eagle Sy at Eagle Garcia.

Ang nasabing dalawang tanod ay humiling kay Kuya Aldrin ng helmet dahil daw sa hindi nila kayang bumili ng matibay at maayos na helmet dahil sa may kamahalan ito at hindi sapat ang kanilang kinikita upang makabili nito.

Kaya naman hindi nag-atubili ang mga kuya at ate na ibigay ang kahilingan ng mga ito para na din sa kanilang kaligtasan habang nagmomotor para sa patuloy na paglilingkod sa kanilang barangay. Jojo Rabulan