Santo Papa nagtalaga ng bagong Capiz Archbishop

Santo Papa nagtalaga ng bagong Capiz Archbishop

March 5, 2023 @ 11:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Victor Bendico bilang bagong Capiz Archbishop, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Bago ang kanyang pagkakatalaga, ang 63 anyos na Obispo at nagsilbi bilang Obispo ng Diocese of Baguio simula 2017. Siya ay ang ika-apat nang Archbishop ng Capiz.

Naging “sede vacante,” ang Capiz archdiocese , isang termino para sa estado ng isang diyosesis na walang obispo, sa loob ng dalawang taon matapos itong mabakante noong 2021 sa ngayon ay si Manila Archbishop Jose Advincula.

Simula noon, ang archdiocese ay pinangasiwaan ni Monsignor Cyril Villarreal.

Ipinanganak si Bendico sa Roxas City noong Jan. 22, 1960. Nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas Central Seminary sa Maynila. Naordinahan bilang pari sa Archdiocese of Capiz noong April 14, 1984.

Bukod sa paglilingkod bilang obispo sa Baguio, nagsilbi rin siyang Apostolic Administrator ng San Fernando, La Union mula 2017 hanggang 2018. Jocelyn Tabangcura-Domenden