Santo Papa personal na humingi ng tawad sa Canada sa ‘evil’ indigenous school incident

Santo Papa personal na humingi ng tawad sa Canada sa ‘evil’ indigenous school incident

July 26, 2022 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ginawa ni Pope Francis ang kanyang pangako sa mga katutubo sa Canada sa kanilang homeland para sa papel ng Simbahan sa mga paraalan kung saan maraming katutubong bata ang inabuso at ginawan ng nakapipinsalang pagkakamali.

Sa kanyang pagsasalita malapit sa site ng isang dating paaralan, humingi ng paumanhin ang Santo Papa sa suporta ng Kristiyano sa ā€œcolonizing mentalityā€ ng mga panahon.

Nanawagan ang Papa para sa isang seryusong imbestigasyon sa mga tinatawag na residential school at higit pang tulong upang matulungan ang mga nakaligtas .

“With shame and unambiguously, I humbly beg forgiveness for the evil committed by so many Christians against the indigenous peoples,” sabi ni Pope Francis sa indigenous leaders mula sa unang nasyon , Metis at mga tao sa Inuit.

Ginawa ng Santo Papa ang isang linggong paumanhin upang magawa ang kanyang pangako sa mga indeginous delegations na bumisita sa kanya ngayong taon sa Vatican kung saan siya unang humingi ng tawad.

“I ask forgiveness, in particular, for the ways in which many members of the Church and of religious communities cooperated, not least through their indifference, in projects of cultural destruction and forced assimilation promoted by the governments of that time, which culminated in the system of residential schools,”ayon sa Papa.

Sa pagitan ng 1881 at 1996, higit sa 150,000 katutubo na mga bata ang nahiwalay sa kanilang mga pamilya at dinala sa mga residential school.

Maraming bata ang nagutom, binugbog at inabusong sekswal sa isang sistema na tinawag ng Canada’s Truth and Reconciliation Commission na “cultural genocide. Jocelyn Tabangcura-Domenden