Santo Papa sa mga Filipino: Ituloy ang pagpapalaganap ng pananampalataya

Santo Papa sa mga Filipino: Ituloy ang pagpapalaganap ng pananampalataya

March 15, 2021 @ 12:23 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Santo Papa  ang mga Filipino sa buong mundo na ipagpatuloy na ibahagi ang pananampalatayang Katoliko na sinasabi na ito bahagi ng lahi at isang nakahahawang pagpapala na dapat mapanatili.

Sa kanyang Homiliya sa ginanap na Banal na Misa sa Vatican para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas kahapon, Marso 14, sinabi ng Santo Papa na natanggap ng Pilipinas  ang  “joy of the Gospel”.

“You received the joy of the Gospel: the good news that God so loved us that he gave his Son for us. And this joy is evident in your people. We see it in your eyes, on your faces, in your songs and in your prayers. In the joy with which you bring your faith to other lands.”

Ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga Pilipino sa buong mundo at binanggit ang mga Pilipina sa Roma na inilarawan niya bilang “smugglers” ng pananampalatay.

“Because wherever they go to work, they sow the faith. It is part of your genes, a blessed “infectiousness” that I urge you to preserve. Keeping bringing the faith, the good news you received five hundred years ago, to others,” ayon pa sa Papa.

Nagpasalamat din ang Papa sa kagalakan  na dinala ng mga Filipino sa buong mundo at sa mga Christian communities.

Samantala, sinabi naman ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle , Prefect of the Congregation for the Evangelizations of Peoples sa  Rome at kasama rin ng Santo Papa na nagdaos ng misa na ang pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas ay regalo ng Diyos.

“The fact that the Christian faith was received by the majority of our people who gave it a Filipino character is also a gift of God. Now the Philippines has the third largest number of Catholics in the World. This is truly God’s gift,” anang Cardinal.

“We attribute the enduring faith of the Filipino people only to God’s love, mercy, and fidelity and not to any merit of our own,” sinabi pa ni cardinal Tagle.

Pinasalamatan din nito ang Santo Papa sa pagdiriwang ng Eukaristiya at pasasalamat sa pagdating ng pananampalataya sa Pilipinas 500 taon nang nakakalipas.

“We bring you here the filial love of the Filipinos in the 7,641 islands of our country,” sinabi nito sa kanyang mensahe kay Santo Papa.

Sinabi ng Cardinal na mahigit 10  milyong Filipino migrante anmg naninirahan sa 100 bansa sa buong mundo.

“They are united with us this morning. We treasure your concern for us and all migrants in Rome,” ayon pa kay Tagle sa pagdiriwang ng Kriostiayanismo kahapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden