Sanya, aminadong inggit kay Rabiya!

Sanya, aminadong inggit kay Rabiya!

February 1, 2022 @ 2:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – “Inggit” in a nice way ang umiiral kay Sanya Lopez toward Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sina Sanya at Rabiya ay magkasama sa GMA fantaserye na Agimat Ng Agila sa Season nito.

Nagsimula na itong mapanood nitong January 29, Sabado.

Isang agent ang ginagampanang papel ni Rabiya, ergo, she gets to do action scenes, bagay na ikinaiinggit daw ni Sanya who plays the leading lady of Sen. Bong Revilla.

Pa-sweet kasi ang acting demands kay Sanya, short of saying  na boring for an actress who has so much to give.

Bilang magkasama sa trabaho, nagbibigay ba ng acting advice si Sanya lalo’t baguhan si Rabiya and is still feeling her way around?

Sey ni Sanya, “Naku, kinaya nga niya ‘yung Miss Universe. No need. pero willing akong magbigay ng tips in case she comes to me for help.”

Samantala, marami ang nagsasabi na sina Sanya at Rabiya ay spitting image ng isa’t isa. Ronnie Carrasco III