Sanya, bet sumali sa MUP, suportado ni Wilbert!

Sanya, bet sumali sa MUP, suportado ni Wilbert!

March 18, 2023 @ 12:43 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Matagal nang matalik na magkaibigan sina Sanya Lopez at Wilbert Tolentino.

Si Wilbert ang tumatayong manager ni Herlene Budol.

Ang pagkakaibigan nina Sanya at Wilbert goes a long way.

Sa katunayan, naka-collab pa nga ni Wilbert ang Kapuso actress.

Wilbert also manages the newly opened Tokyo Grill in Tomas Morato QC, kung saan kinaray si Sanya na inusisa kung tulad ni Herlene ay makikipagsapalaran din sa mga beauty pageant.

Hindi maituturing na bagito si Sanya sa mga nasabing timpalak.

Back in 2014, she represented Bulacan in Reyna ng Aliwan kung saan tinanghal siyang first runner-up.

Ani Wilbert, Sanya has until next year to decide dahil by then ay pasok pa siya sa age requirement na 18 to 27 years old.

As far as Sanya is concerned, hindi niya isinasara ang posibilidad na sasali siya.

Miss Universe Philippines daw ang bet niyang salihan.

Ang co-star ni Sanya sa Mga Lihim ni Urduja sa GMA na si Michelle Dee ay sasali uli, hopefully this time ay masungkit nito ang much-coveted title.

Suportado naman ni Sanya si Michelle.

But at the rate her career is going, mukhang ipagpapaliban muna ni Sanya ang pagsali.

Pero tiniyak niyang hindi malayo na sasabak din siya, “Kung papunta naman talaga du’n, eh, ‘di i-push natin!”

Hanga nga si Sanya sa mga beauty queen hopefuls, at naiimadyin na niya ang kaba sa dibdib once she decides to try her luck.

Pero sa ngayon daw ay marami pa siyang dapat pagtuunan ng pansin.

Career-wise daw kasi ay hindi siya pinababayaan ng GMA.

Kung matatandaan, umubra rin ang pangungulit ni Wilbert na sumali si Herlene sa Binibining Pilipinas where she finished runner-up.

Dahil super close naman sila ni Sanya, hindi imposibleng marahuyo ito ni Wilbert.

‘Ika nga, seize the moment, Sanya! Ronnie Carrasco III