Sanya, binubuyo kay Alden!

Sanya, binubuyo kay Alden!

November 10, 2022 @ 7:37 AM 3 weeks ago


Bangkok, Thailand – Nasa Bangkok ngayon ang Kapuso actress na si Sanya Lopez for a much needed vacation.

May gagawin kasi siyang proyekto probably with Gabby Concepcion, her favorite leading man after the success of “First Lady.”

For a change, may pagka-thriller daw ito pero ayaw pa niyang i-divulge ang detalye hangga’t hindi pa napa-finalize ang project.

During her vacation, sinamantala niya ang panahon para makapag-recharge sa Thailand kung saan binisita niya ang iba’t-ibang pamosong tourist spots sa tinaguriang land of smiles.

Kasama sa kanyang itinerary ang pagpunta sa mga templo roon, food tripping at pagsa-shopping sa Maeklong Railway Market.

Habang nasa isang templo, nag-post siya ng kanyang picture habang nag-i-stroll sa area.

May caption itong: “have you seen my prince?”

Dahil sa kanyang post, nag-react ang kafaneyan sa kanyang emote.

May mga nagsabing naroon din ang Kapuso actor na si Alden Richards for a break.

May mga katikatera pang mega-react na baka may tryst o tagpuan daw sila ni Alden sa nasabing Asian country.

Hirit naman ng ilan, hindi kaya ang hinahanap ni Sanya na prinsipe ay ang bedimpled actor na nakatrabaho niya noon sa seryeng “Victor Magtanggol”?

May ilan namang inirereto si Sanya sa kanyang favorite leading man na si Gabby Concepcion na nakasama niya sa “First Yaya” at “First Lady.”

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

Same with Alden who’s in Thailand.

“I think he’s your prince looking at

Eheemmm Ate Shai Baka nasa tabi tabi lng po ang love life mo.”

“Uyyy asa Bangkok dn si Alden malabss.

Anjan din si alden baka sya yung prince mo.”

“Nahanap mo na Pinakagwapo sa lahat ng Tao Artista walang iba nag iisa Gabby C walang tatalo walang katulad kapogian grabe super Sweet Carring Mabait.”

“Love is in the air, Alden is there also.” Archie Liao