Sanya, magta-topless sa next serye!

Sanya, magta-topless sa next serye!

December 16, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – “Megaserye” kung ilarawan ng GMA ang aabangang teleserye to air next year, ang Urduja Jewels.

Led by Sanya Lopez, naloka ang aktres sa isusuot niyang costume dahil it will require her to go topless.

Si Urduja ay isang warrior princess.
Dati na itong ginampanan sa pelikula ni Amalia Fuentes.

Pero dahil pinapayagan sa free TV ang obscene exposure, siyempre’y dadayain na lang ang costume ni Sanya.

Puwedeng mahaba ang buhok ni Sanya to cover both her breasts.

Kung Vivamax project lang ‘yan, kesehodang ibuyangyang ni Sanya ang upper half ng kanyang katawan!

Anyway, nagsimula na si Sanya at ibang major cast members ng kanilang pagsasanay sa arnis.

Kasama na rin dito ang paghawak ng iba’t ibang sandata.

Susundan ito ng script reading to familiarize the cast with the dialogues.

Comes the “look test” para tiyaking maganda ang rehistro sa screen ng kanilang mga itsura.

Pinakahuling dapat matutunan ni Sanya ay ang pangangabayo.

To the point daw na, “Kailangan kasama ko ‘yung kabayo palagi para at least, magkasundo kami.”

Urduja Jewels is Sanya’s follow-through teleserye matapos ng matagumpay niyang First Lady with Gabby Concepcion. Ronnie Carrasco III