Sanya, nagpaliwanag sa malamig na Pasko!

Sanya, nagpaliwanag sa malamig na Pasko!

December 14, 2021 @ 4:26 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Alam na rin ng lahat na NBSB o No Boyfriend Since Birth si Sanya Lopez at kung may mga guy na nail-link sa kanya ngayon ay pawang mga tsika lang ito.

Tulad ng mga nakaraang Kapaskuhan, mananatili na namang malamig ang Pasko ni Sanya.

Hindi naman kaya super choosy siya sa pagdating sa pagkakaroon ng first boypren kung kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single?

“E, parang ang hirap makahanap ng taong maiintindihan talaga ang trabaho mo dahil wala akong maibibigay na atensiyon sa kanya. Gusto ko ‘yung mabait at mamahalin ka no matter what.

“Ang pinaka-importante sa akin sa ngayon, ‘yung matatanggap ang work ko. Kasi as of now, sobrang busy ako sa trabaho, lalo na ngayong nasa lock in taping na ako ng ‘First Lady,'” ang say ni Sanya.

And since wala naman siyang ka-date o kalambingan ngayong Kapaskuhan, ano naman kaya ang balak niyang gawin sa Araw ng Pasko?

“Ang tapos ng taping namin is December 22 na, a few days before Christmas kaya wala na akong time mag-Christmas shopping.

Ang gusto ko, umuwi muna sa probinsiya namin to see my lola and so I can spend Christmas with her. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita kasi naging sobrang busy nga ako kahit may pandemic,” dagdag pang say ni Sanya. Wally Peralta