
Binisita at naghatid ayuda si SAP Bong Go sa mga nasunugan sa Maynila at Muntinlupa. Photo (c) Go Bong Go Manila Volunteers
Tiniyak ni Go na hindi mag-iisa ang mga nasunugan dahil agad na kikilos ang mga kinauukulang government agencies tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at maging ang Office of the President para sa mga pangangailangan ng mga ito.

Binisita at naghatid ayuda si SAP Bong Go sa mga nasunugan sa Maynila at Muntinlupa. Photo (c) Go Bong Go Manila Volunteers
Muling binisita naman ni Go ang mga biktima ng sunog sa Muntinlupa kung saan tinupad nito ang pangakong tulong sa mga ito.
Kabilang sa mga nakatanggap ng assistance mula kay SAP Go si Jaime Rigorgo na nawalan ng 20 baboy sa sunog.
Una niyang nakausap si Mang Jaime noong unang pagbisita niya sa mga biktima kung saan malungkot nitong naikuwento na nawalan siya ng kabuhayan nang ma-litson sa sunog ang kanyang mga alagang baboy habang bahagyang nasunog din ang kamay nito.
Sinabi ng opisyal na sinabihan niya si Mang Jaime na importante ay buhay siya at puwede pa uling bumangon kaya naman dinalhan niya ito ng pagsisimulang baboyan.
Ipinaliwanag ni Go na hindi niya afford na palitan ang 20 baboy kaya naman binilhan niya ito ng bulugang baboy habang bigay naman ng kaibigan niya mula sa Tarlac at inahin.
Labis naman ang pasasalamat ni Mang Jaime kay SAP Go kasabay ng pangakong palalaguin niya ang bigay nitong livelihood at tinawag niyang biyaya ang pagdating ng Kalihim sa kanyang buhay. (KRIS JOSE)