SAP Bong Go, hinamon ang mga bagong halal na opisyal ng barangay at SK

SAP Bong Go, hinamon ang mga bagong halal na opisyal ng barangay at SK

July 1, 2018 @ 10:58 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hinamon ng Malakanyang ang mga bagong halal na 42,000 Barangay Chairman at 700,000 na mga bagong Barangay at SK Kagawad na patunayan sa kanilang mga constituents na karapat-dapat sila sa posisyon.

 

Ngayong araw na ito magsisimula ang opisyal na tungkulin ng mga nasabing Barangay officials.

 

Ani Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go, dapat na maglingkod ng naaayon sa batas ang mga ito dahil umaasa ang kanilang mga constituents ng magandang resulta.

 

Huwag sana aniya niyang mabalitaan na sangkot ang mga ito sa ilegal na gawain lalo na sa ilegal na droga at gamitin ang kanilang posisyon sa panga-abuso sa kapwa.

 

Magsilbi sana aniyang inspirasyon ng bawat opisyal ang tiwalang ipinagkatiwala sa kanila ng kanilang mga kabarangay.

 

Samantala, hangad ng opisyal na susuportahan ng mga bagong halal na Barangay officials ang 3-point agenda ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kinabibilangan ng paglaban sa illegal drugs, kurapsyon at kriminalidad para sa mas ligtas sa komunidad.

 

Binigyang diin pa ni Go na kasangga ng mga opisyal ng Barangay ang kanilang ‘Kuya Bong Go’ sa mga magagandang layunin at hangarin sa nasasakupan ng bawat isa sa kanila. (Kris Jose)