SAP Bong Go, hinamon ng saksakan ng ballpen si Senator Trillanes

SAP Bong Go, hinamon ng saksakan ng ballpen si Senator Trillanes

June 18, 2018 @ 11:09 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Umabot na sa saksakan ng ballpen ang hamon ni Special Assistant to the President Bong Go kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa isang ambush interview noong Sabado, hinamon ni SAP Go si Trillanes na tanggapin na ang ‘one-on-one’ challenge niya noong Huwebes kesa dumada na lang nang dumada.

“Ballpen lang pala ang gusto mo. Waiver na naman o saksakan ng ballpen. Trillanes, ito lang ba hinahanap mo, ballpen?” hamon ni Go.

Kasunod ito ng sagot ni Trillanes na willing siya sa ‘one-on-one’ pero dapat pati sa pagpirma ng bank secrecy waivers para maimbestigahan ang kanilang mga yaman.

“Sige one-on-one kami pirmahan ng waiver. Partida na kahit isama pa niya amo [Duterte] niya. Yun ang balik challenge ko na may kabuluhan. Kasi sabi ni Duterte bilyonaryo si Bong Go, para malaman natin saan galing ang pera niya,” sagot ni Trillanes.

‘Di ko na kailangang magnakaw ng pera ng gobyerno at pera ng tao tulad ni Mr. Trillanes at tinatago agad sa ibang bansa,” ani Go.

Muli namang iginiit ni Go na hindi siya interesadong tumakbo bilang senador sa May 2019 midterm elections sa kabila ng buong suporta na ibinibigay sa kanya ng Pangulo. (Remate News Team)