SAP Bong Go, hindi basta-basta – Pangulong Duterte

SAP Bong Go, hindi basta-basta – Pangulong Duterte

August 4, 2018 @ 2:07 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang iendorsong kandidato sa susunod na eleksyon, hindi niya naiwasang hayagang maendorso ang kanyang top aide na si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go.

Sinabi ni Pangulong Duterte na tanging si Go lang ang hindi niya maiwasang itulak sa halalan dahil sa taglay nitong kakayanan.

Ayon sa Chief Executive, tiwala siyang kayang-kaya ni Kuya Bong na mag-senador dahil sa angking galing at karanasan na nito sa pulitika dahil sa ilang taon nilang pagsasama.

Inihayag ng Pangulo na hindi naman basta-basta ang credential ni Go dahil isa itong graduate ng La Salle, mula sa maayos na pamilya at higit sa lahat simple lang.

Matatandaang sinabi ni Go na tanging si Pangulong  Duterte lamang ang maaaring makapagpabago ng kanyang isip na kumandidato sa pagka-senador sa 2019. (Kris Jose)