SAP Bong Go namahagi ng tulong sa Tambunting

SAP Bong Go namahagi ng tulong sa Tambunting

June 29, 2018 @ 3:34 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Personal na nagtungo si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang magbigay ng ayuda sa mga nasunugang pamilya sa Tambunting, Sta.Cruz,Maynila.

Pasado alas-12 ng tanghali nang dumating si Go sa Barangay 373 Zone 38 kasama ang aktor na si Philip Salvador.

Sa kanyang maigsing mensahe, sinabi ni Go na inatasan siya ng Pangulo na umikot sa mga nasusunugang barangay upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilyang nasunugan.

Nagbigay ito ng food packs, groceries at cash assistance na makatutulong sa mga residenteng nasunugan.

Nanawagan din si Go sa kaniyang supporters na imbes na ipagawan siya ng mga tarpulin ay bumili nalang ng mga construction materials gaya ng yero, flywood na puwedeng i-donate at magagamit ng mga nasunugang residente.

Matatandaan na 50 pamilya ang nawalan ng bahay matapos masunog dahil sa natumbang nakasinding kandila.

Samantala, bago magtungo si Go sa Tambunting ay dumalo muna ito ng Special Philippine Eye Care Solutions SPECS Foundation Incorporated  para sa ikalimang taon anibersaryo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Iniabot ni Special Assitant to President. Bong Go ang tulong pinansyal mula PAGCOR at PCSO kasama ng gift packs kay Ginang Eliza Advincula 75-anyos isa sa mga 53 pamilyang nasunugan sa Tambunting St. Sta Cruz, Maynila. Kuha ni Crismon Heramis