SAP Go at Mayor Sara Duterte, magsasanib-puwersa

SAP Go at Mayor Sara Duterte, magsasanib-puwersa

August 4, 2018 @ 11:03 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Handa si Special Assistant to the President Christopher Bong Go na sumanib sa Hugpong ng Pagbabago ni Presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sinabi ni Go na kung sakaling magpasya siyang  tumakbo sa pagkasenador ay handa siya at karangalan niyang kumandidato sa ilalim ng  grupo ni Inday Sara.

Aniya, very much willing siya na sumapi sa Hugpong kasi partido ito ng anak ng kanyang boss na si Pangulong Rodrigo Duterte at nagmula ito sa Hugpong ng Taong-Lungsod.

Samantala, hangad ni Go na maging national party ang Hugpong ng Pagbabago at lalong palakasin dahil aniya masarap magkaroon ng partido na ipinanganak sa Davao.

Kumbinsido rin si Go na hindi na kailangan ni Pangulong Duterte na pag-isahin ang HNP at ang Hugpong ng Taong-Lungsod dahil  magkamag-anak naman na talaga ang dalawang partido. (Kris Jose)