SAP Go, bingi sa panawagan na tumakbo sa 2019 election

SAP Go, bingi sa panawagan na tumakbo sa 2019 election

July 8, 2018 @ 4:20 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tila bingi si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa panawagan ng mga taga-Negros Oriental na tumakbo siya sa senado sa 2019.

Tila bingi si Go na pakinggan ang kanilang nagkakaisang tinig na tumakbo sa susunod na taon.

Para sa mga taga-Dumaguete, kailangan nang magdesisyon ni Go sa lalong madaling panahon.

Agad namang sinagot ni Kuya Bong Go ang mahigit 3 libong mamamayan ng Dumaguete na napakaaga pa para magdesisyon kaya magtatrabaho lang muna siya salig sa naging direktiba sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Si Go ay naatasan ng Pangulo na maging kinatawan sa napakaraming aktibidad ng pamahalaan na dapat ay tugunan.

Aniya, kailangan niyang tumulong sa adhikain ng pangulong Duterte lalo na ang paglaban sa Iligal na Droga, korapsyon at Kriminalidad.

Binigyang diin ng kalihim na sa tulong ng mamamayan ay makakamtan ang tunay na adbokasiya ng pamahalaan para sa kinabukasan ng bansa at sa mga susunod pang salinlahi.

Samantala, inanunsyo din ni Kuya Bong Go sa nasabing Summit na maglalagay na ang pamahalaan ng Malasakit Center na isang One-Stop-Shop na magkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa Dumaguete.

Katuwang sa pagkakaloob ng malasakit center ay ang department of Social Welfare And Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR at Philhealth kasama na ang lokal na panahalaan.

Ang Malasakit Center ay nag-ugat sa Davao City at ngayon ay kumalat na sa ibat-ibang lalawigan matapos mabatid ng pangulong Duterte na ito ay epektibong paraan para abutin ang pangangailangang kalusagan ng mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar sa bansa. (Kris Jose)