SAP Go, hinikayat ang mga adik na magpa-rehab

SAP Go, hinikayat ang mga adik na magpa-rehab

August 7, 2018 @ 1:31 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Umapela si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa mga adik,  durugista o drug users na isuko ang kanilang sarili para sa free rehabilitation sa bagong Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center (NMWRC).

“Andiyan na oh (NMWRC). Libreng (rehab) na oh. Libre tulugan, Libreng rehabilitation center na po,” ayon kay Go.

Ginagawa aniya ng pamahalaan ang magagawa nito upang gawing drug-free ang mga adik.

Ang tanging requirement aniya ay dapat na makisali sa rehabilitation programs sa centers gaya ng  NMWRB sa Malaybalay, Bukidnon.

Itinayo aniya ito ng pamahalaan gamit ang P500 million pondo.

Pinasinayaan ang NMWRB noong Agosto 3 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nandito lamang aniya ang pamahalaan para tulungan ang mga drug addicts na magbagong-buhay.

“Andirito na po yung gobyerno. May ginagawa para sa inyo, para magbagong buhay na po kayo. Sana po i-avail niyo na po yung libreng rehab. ‘Wag niyo po i-avail ‘yung may bayad na sementeryo,” aniya pa rin. (Kris Jose)