SAP GO: ika-10 Malasakit Center, inilunsad sa Pampanga

SAP GO: ika-10 Malasakit Center, inilunsad sa Pampanga

October 8, 2018 @ 2:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isa na namang Malasakit Center ang inilunsad ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ngayong araw bilang pagtupad sa kanyang pangakong magtatayo ng mas marami pa nito sa buong bansa.

Inilunsad ni SAP Go ang ika-10 Malasakit Center sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa Pampanga.

Katuparan ito sa unang inihayag ni SAP Go nang una siyang bumisita sa lalawigan noong August 28, 2018 nang magdala siya ng relief assistance sa mga naapektuhan ng pagbaha kung saan sinabi niyang aayusin niya ang pagpapatayo ng Malasakit Center sa lalawigan.

Sinabi ni SAP Go na tulad ng mga Malasakit Center na nauna nang  naitatag,  layon nitong  matulungan din ang mga Kapampangan para sa mas madaling access sa financial assistance at health assistance na may kaugnayan sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte  na mabigyan ng   quality health servie ang mga Filipino.

Ang Malasakit Center ay one stop shop program ni Pangulong Duterte para sa mas madali at mas mabilis na pagtulong sa mga mahihirap na pasyente sa buong bansa sa pagtutulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO),  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Health (DoH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Kris Jose)