SAP Go, kinalma ang publiko sa isyu ng pagbomba sa Basilan

SAP Go, kinalma ang publiko sa isyu ng pagbomba sa Basilan

August 4, 2018 @ 11:13 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Kinalma  ni Special Assistant to the President Bong Go ang publiko sa takot na posibleng magkakaugnay ang magkakasunod na insidente ng pambobomba.

Sinabi ni Go na ang nangyaring pagpapasabog sa Lamitan Basilan ay kagagawan ng Abu Sayyaf kung saan nahuli na ang isa sa mga suspect.

Kinumpirma rin ng opisyal na base sa report ng mga otoridad, kagagawan ng New People’s Army naman ang pagsabog sa Masbate.

Binigyang-diin niya na sinuman o anumang   grupo ang nasa likod ng pagpapasabog ay mariin pa rin  itong kinokondena ng pamahalaan. (Kris Jose)