SAP Go, kinumpirma ang suicide attempt ng kanyang staff

SAP Go, kinumpirma ang suicide attempt ng kanyang staff

July 31, 2018 @ 1:53 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang tangkang pagpapakamatay ng isa sa mga staff nito sa kanyang opisina sa Davao City.

Ayon kay SAP Go, na-comatose ang biktima na kinilala nitong si Leo Angelo Apara at kasama na ang live-in partner nito sa ospital.

Dagdag pa nito, isa si Apara sa mga most trusted nitong staff na siyang nangunguna sa assistance at tulong ng kanyang opisina sa mga nangangailangan.

Personal problem umano ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng kanyang staff. (Remate News Team)