SAP Go, magdedesisyon na bago ang deadline ng paghahain ng CoC

SAP Go, magdedesisyon na bago ang deadline ng paghahain ng CoC

October 9, 2018 @ 11:32 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Aminado si Special Assistant to the President Christopher Bong Go na habang papalapit ang deadline ng filing ng certificate of candidacy ay kailangan naman niyang magdesisyon kung pagbibigyan ang kahilingan sa kanya ng iba’t ibang grupo na kumandidato sa pagkasenador sa susunod na halalan.

Ayon kay SAP Go, sana ay ma-enlightened siya bago pa man ang deadline upang makagawa siya ng tamang desisyon hinggil sa patuloy na panawagan sa kanya.

Aniya, tanging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte lang ang makakapagpabago sa kanyang desisyon kung saan tiwala siyang batid ng Pangulo kung saan siya mas makakatulong sa bayan.

Iginiit ni SAP Go na kapag sinabihan siya ng pangulo na mas makakatulong sa sambayanan kung nasa senado ay buong puso naman niya itong tatanggapin.

Sa huli ay sinabi ni SAP Go na abangan na lang ng sambayanan ang magiging pasya niya bago matapos ang filing ng COC sa October 17./Kris Jose