SAP Go, may payo sa mga lokal na opisyal ng Mindanao sa pagdadala ng armas

SAP Go, may payo sa mga lokal na opisyal ng Mindanao sa pagdadala ng armas

July 7, 2018 @ 12:25 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malakanyang ang mga alkalde at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Mindanao na sumulat muna ng liham kay Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa pagdadala ng armas kahit pa umiiral ang Martial Law sa buong rehiyon.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, ito ang tamang paraan para payagan ang mga nasabing opisyal na magbitbit ng armas para sa kanilang proteksyon.

Iyon nga lamang aniya ay  kailangang mabigyan ng tamang katuwiran ng mga opisyal na ito at patunayan na mayroong banta sa kanilang buhay.

Si Sec. Lorenzana ayon kay Go ay Martial Law Administrator.

Tiniyak  nito na magiging patas ang pamahalaan sa pagdetermina sa mga mabibigyan ng pahintulot kahit pa ang isang alkalde at kabilang sa narco-list

Nauna rito, nakarating sa kaalaman ni Go ang pangamba ng ilang miyermbro ng Union of Local Authorities in the Philippines (ULAP) sa kanilang seguridad matapos ang magkasunod na pagpatay kina Tanauan City Mayor Antonio Halili at Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio Nueva Ecija. (Kris Jose)