SAP Go, niresbakan ang mga kritiko

SAP Go, niresbakan ang mga kritiko

July 6, 2018 @ 9:00 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi po ako politiko.

Iginiit ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na trabaho lamang ang kanyang ginagawa at hindi pangangampanya na.

Pinalagan ni Go ang mga patutsada ng kanyang mga kritiko na ang pagtulong niya sa mga nasunugan at iba pang nangangailangan ay bahagi na ng kanyang pangangampanya.

“Andito ako para tulungan si Presidente at para tumulong sa nangangailangan dahil ito ang trabaho ko,‚ÄĚ ani Go.

Kahit kailan naman aniya ay lantad sa kanyang mga natulungan na karamihan sa mga ipinamimigay niya ay donasyon ng gobyerno at ng mga private individual na naniniwala sa kanyang adbokasya.

Aniya pa, ang ibang mga donasyon na dinadala niya sa mga nasunugan ay galing sa sariling inisyatiba ng kanyang mga supporters.

Sa kabilang dako, nilinaw ng opisyal na walang ipinamigay ang Department of Social Welfare and Development na relief goods na may mukha niya.

Kaya ang mensahe niya sa kanyang mga kritiko ay tumulong na lang din sa mga kapus-palad na kababayan sa halip na dumaldal laban sa administrasyon. (Kris Jose)