SAP Go, tutulong sa taas-pasahod ng mga guro

SAP Go, tutulong sa taas-pasahod ng mga guro

August 8, 2018 @ 1:26 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tutulong si Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go sa pag-asikaso sa panukalang salary increase para sa mga guro lalo na sa mga pampublikong paaralan.

Ang pakiusap lang ni Go sa grupo ng mga guro na huwag magselos sa dobleng suweldo ng mga pulis bagkus ay pagsisikapan din daw niya na magkaroon ng increase ang mga guro.

Kung matatandaan, kabilang ang mga guro sa naunang pinangakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tataasan ang matatanggap na sweldo. (Kris Jose)