Queen Isabela kinoronahan sa Bambanti Festival 2023

January 27, 2023 @7:56 PM
Views: 6
ILAGAN CITY, ISABELA – Kinoronahan na ang pinakamagandang dilag o kandidata sa Queen Isabela ang pambato ng San Manuel sa katatapos na coronation sa Bambanti Festival 2023 dito sa nasabing lalawigan.
Dalawamput siyam na naggagandahang binibini mula sa ibat-ibang bayan dito sa nasabing lalawigan ang nagtagisan ng galing at nagpamalas ng kagandahan na bahagi ng taunang piyesta sa lalawigan na ginanap sa Queen Isabela Park.
Una rito, isinagawa ang Judging ng Creative Attire ng bawat kandidata bilang unang bahagi ng aktibidad sa nabanggit na patimpalak noong ikadalawamput tatlo Enero taong kasalukuyan.
Sinundan naman ito ng Opening ng Exhibit ng Creative Attires ng mga kalahok sa kaparehong araw na ginanap sa SM City Cauayan.
Kinoronahan bilang Queen Isabela 2023 ang pambato ng bayan ng San Manuel na si Bb. Catherine Joy Legaspi.
Nag-uwi siya ng nasa limampung libong piso at iba pang gift certificates mula sa ibat ibang sponsors.
Wagi naman bilang Queen Isabela Tourism ang pambato ng Cauayan City na si Bb. Juliemae Villanueva at Queen Isabela Culture & Arts si Bb. Johanna Trisha Cinco, pambato ng Bayan ng Ramon.
1st Runner Up naman ang pambato ng Indigenous People Community na si Bb. Jaycel Lumauig at 2nd Runner Up si Bb. Cherie Lee Garlijo ng bayan ng Alicia.
Final 5 ang Cauayan City, Ramon, Indigenous People Community, San Manuel at Alicia.
Best in Talent si Bb. Jon Jesusa Del Mundo na pambato ng bayan n Naguilian; Best Creative Attire si Bb. Jazkaren Corpuz ng Echague; Best Portrait/Photogenic si Bb. Christine Mae Mapatac ng Roxas at Best in Swimwear si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Wagi naman ng Texter’s Choice award si Bb. Karla Mae Dulay ng bayan ng Quirino at Best in Evening Gown si Bb. Juliemae Villanueva ng Cauayan City.
Umabot naman sa TOP 10 ang Sta. Maria, Quirino, Indigenous People Community Alicia, San Manuel, Ramon, Cauayan City, Roxas, Benito Soliven at Echague.
Ang nasabing kapiyestahan ay nagsimula January 23-29, 2023 na taunang piyesta ng nasabing lalawigan at bilang bahagi sa pasasalamat sa mga magsasaka sa kanilang naiambag sa sentro ng agrikultura.
Ang Bambanti ay salitang Iloko o Scarecrow sa English na ang ibig sabihin ay panakot sa mga ibon at umaatakeng peste sa mga palayan.
Samantala, pinangunahan ni Isabela Vice Gov. Faustino ‘Bojie’ Dy III bilang Director General ngayon kapiyestahan ang pagbubukas ng nasabing kapiyestahan kasama sina Gov. Rodito. Albano III at Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator na isa sa mga nag-organisa at utak sa mga nasabing aktibidad sa naturang selebrasyon. Rey Velasco
Manila LGU nanawagan sa mga pasaway na trike driver

January 27, 2023 @7:43 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan.
Sa pagdalo ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto nitong Biyernes ng umaga sa muling paglulunsad ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto ng Dapitan at Don Quijote Streets, Sampaloc, sinabi nito na hihilingin niya kay Mayor Honey Lacuna-Pangan na bigyan pa ng palugit ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) para ayusin ang kanilang dokumento upang makakuha ng prangkisa, pati na rin maging ang kanilang lisensiya sa pagmamaneho.
Aminado ang bise alkalde na maraming pasaway na tricycle driver sa lansangan na hindi sumusunod sa batas trapiko para lamang mapabilis ang paghahatid nila ng pasahero.
Dahil dito, nanawagan si Vice Mayor Yul Servo sa mga tricycle driver na ayusin na ang mga kinakailangang dokumento dahil ito naman ang kanilang pinagkakakitaan para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
“Kaya mga kababayan, mga batang Maynila, huwag ng kayong pasaway. Kung kailangan ninyong kumuha ng lisensiya, kumuha na kayo, kung kailangan ninyong magpa-rehistro ng inyong tricycle, iparehistro nyo para hindi kayo nagagambala kasi isang araw lang na hindi kayo makapagtrabaho, ang laking perhuwisyo na sa inyo yun,” panawagan ni Vice Mayor Yul.
Gayunman i onahagi naman ng bise alkalde na may ilang mga trike drivers ang nakakapagpatapos ng pag-aaral sa kanilang mga anak na kalaunan ay nagiging matagumpay na doktor o arkitekto habang ang iba naman ay minamana lang ng kanilang mga anak ang kanilang trabaho.
“Yung mga kababayan natin na nasa ganoong sitwasyon, dapat i-improve din natin ang pamilya natin para sa atin ding mga anak. Kasi meron naman tayong libreng eskuwelahan, meron tayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) meron tayong Universidad De Manila (UDM), me 100-plus tayong paaralan para sa elementarya at high school,” dugtong pa ng bise alkalde.
Nauna rito, dumaan muna sa muling paglulunsad ng Balitaan sa Tinapayan si Mayor Honey Lacuna-Pangan upang dumalo sa pagbabasbas at pangunahan ang ribbon cutting ceremony bago umalis patungo sa kanyang naunang pinangakuang kaganapan. JAY Reyes
MOP, umaapela ng panalangin sa tagumpay ng 125th CBCP plenary assembly

January 27, 2023 @7:30 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Umapela ng panalangin ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa nakatakdang 125th plenary assembly ng kalipunan ng mga Obispo sa pagtatapos ng buwan ng Enero.
Apela ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, nawa ay sama-samang ipanalangin ng mga layko, kasama ang mga consecrated person na mga relihiyoso, relihiyosa at mga pari na maging makabuluhan at matagumpay ang plenary assembly na nakatakda sa ika-29 hanggang ika-31 ng Enero, 2023.
Ayon sa Obispo, mahalaga ang pananalangin ng bawat isa upang gabayan ng Espiritu Santo ang mga Obispo at makikibahagi sa pagtitipon na magkaroon ng kaliwanagan ng puso at isipan sa pagtalakay sa iba’t ibang usaping dapat tutukan ng Simbahang Katolika sa bansa.
Inihayag ng Obispo na kabilang sa matatalakay sa pagtitipon ng kalipunan ng mga Obispo ang mahahalagahang usapin tulad ng patuloy na pagpapatatag ng ugnayan ng Simbahan at pamayanan na bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Synodality na panawagan ng Santo Papa Francisco.
Inaasahan din ang talakayan sa higit na pagpapatatag ng iba’t ibang mga tanggapan ng CBCP sa pamamagitan ng episcopal commission, offices at committees na nangangasiwa sa iba’t ibang adbokasiya ng Simbahan sa lipunan.
Nakatakda ang 125th plenary assembly ng CBCP sa Pope Pius XII Catholic Center kung saan sa pangalawang pagkakataon mula ng lumaganap ang COVOD-19 pandemic sa bansa ay muling magtitipon ng personal ang kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan binubuo ang CBCP ng 88-active bishops, dalawang diocesan priest-administrators, at 38 honorary members na pawang mga retiradong Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Discounted fares ipapalit sa Libreng Sakay sa EDSA Carousel

January 27, 2023 @7:17 PM
Views: 21
MANILA, Philippines – Maaaring magbigay na lamang ng discount sa EDSA Bus Carousel sa halip na magbigay ng Libreng Sakay dahil sa limitadong budget.
Ito ang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes, Enero 27 sa isang press briefing.
Ayon kay LTFRB chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, layon nito na mapahaba pa ang P1.2 bilyon na budget para sa naturang programa.
“Malamang ang gagawin dito is we will just be giving discount,” tugon ni Guadiz nang tanungin kung magbabalik na ba ang Libreng Sakay Program sa EDSA Carousel.
Aniya, hindi lamang bus ang sasakupin ng planong discount kundi maging ang iba pang modes of transportation tulad ng jeepney.
Naghihintay pa ang LTFRB sa kautusan mula sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng pagpapatupad ng programa.
Sa televised public briefing, sinabi ni LTFRB technical division head Joel Bolano na naghihintay na lamang ang ahensya na madownload ang budget sa kanila.
“Hinihintay na lang natin na ma-download sa LTFRB yung budget na P1.2 billion para sa ngayong taon,” sinabi pa ni Bolano.
Samantala, sinabi ni Bolano na nasa P3 bilyong budget ang inilaan para sa fuel subsidies para sa mga public utility vehicles (PUVs).
Matatandaan nagtapos na ang Libreng Sakay Program sa EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022. RNT/JGC
Pagbabawal sa natalong kandidato na tumakbo sa Party-list elections unconstitutional – SC

January 27, 2023 @7:04 PM
Views: 25