Sapat na suplay ng gamot sa evacuation centers, pinasisiguro ni PBBM

Sapat na suplay ng gamot sa evacuation centers, pinasisiguro ni PBBM

November 1, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang sapat na suplay ng mga maintenance medicine sa evacuation centers.

Sa isinagawang situation brefing sa Maguindanao, sinabi ng Pangulo na dapat sana’y gawin nang polisiya ang masiguro na may mahuhugot na medisina para sa mga lolo’t lola lalo pa’t kabilang sila sa mga bakwit na nasa evacuation centers tuwing may kalamidad.

Maliban dito, pinasisiguro rin ng Chief Executive na mayroong gamot na hindi na kailangan ng prescription katulad ng gamot sa ubo, sipon, diarrhea, lagnat at Iba pa.

Sa gitna na din ito ng naiulat sa kanya na dumarami ang nagkakasakit sa mga evacuation centers na dapat mabigyan ng atensiyong medikal.

Sa kabilang dako, ipinag-utos din ni Marcos ang pagpapadala ng mga doktor kasunod ng naturang ulat. Kris Jose