Sapat na suplay ng harina sa Pinas, tiniyak ng industry group

Sapat na suplay ng harina sa Pinas, tiniyak ng industry group

June 2, 2022 @ 6:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sapat pa ang suplay ng harina sa bansa,  base sa Philippine Association of Flour Millers. 

Ito ay sa gitna ng akyat-presyo sa tinapay dulot ng pagsipa ng presyo ng raw materials na ginagamit sa paggawa nito, gaya ng harina. 

“Walang shortage sa suplay ng harina, malinaw yan. Mayroon tayong 90 days supply available at any time,” pagtitiyak ni Ricardo Pinca, executive director ng PAFMIL. 

Subalit maliban sa harina, nadagdagan din ang presyo ng asukal, mantika, supot ng tinapay at pang-delivery dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. 

Naapektuhan ng giyera ang suplay ng trigo mula Ukraine at Russisa na kabuuang 30 porsyento ng wheat supply ng buong mundo. 

Bunsod nito, tumaas ang demand at presyo ng trigo mula sa Amerika, Canada, at Australia kung saan kumukuha ang Pilipinas. 

Inihayagna rin ni Resto PH President Eric Teng na wala pang food shortage sa bansa. 

“Marami po namang food production sa Philippines,” giit ni Teng. 

Hinikayat naman ni Teng ang mga restaurant na gumamit ng mga altenatibong sangkap gaya ng rice flour o kamote flour sa halip na harina. RNT/SA