Sapat na suplay ng hiringgilya siniguro ng DOH, NTF

Sapat na suplay ng hiringgilya siniguro ng DOH, NTF

December 12, 2021 @ 4:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng  Department of Health (DOH) at ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na may sapat na suplay ng  syringes – ang  0.3ml syringes (microsyringes) na akma sa  Pfizer COVID-19 vaccines, at  0.5ml auto-disable (AD) syringes para sa lahat ng bakuna.

Nilinaw ng DOH at NTF na dalawang batch ng procurement sa pamamagitan ng UNICEF ang isinagawa. Ang unang batch, na pinondohan sa pamamagitan ng savings mula sa CY 2020 UNICEF procurement, kasama ang 8 milyong 0.3ml syringes na nagkakahalaga ng P29.1 milyon na ganap na naihatid noong Oktubre 2021.

Ang second batch na pinondohan sa pamamagitan ng Asian Development Bank ay binubuo ng 44 milyong syringes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P152.6 milyon.

Sa pangalawang batch na ito, apat na milyon ang ihahatid ngayong Disyembre 2021 at ang matitirang 40 milyon ay darating sa unang kwarter ng 2022 dahil sa kakulangan sa pandaigdigang suplay.

Sa ngayon, 3,653,000 syringes mula sa apat na milyon ang nai-deliver na at ang iba ay inaasahan sa susunod  na linggo.

Ang una at ikalawang batch ng procurement sa pamamagitan ng UNICEF ay umabot sa 52 milyon ng 0.3 syringes sa humigit-kumulang P3.25 bawat piraso o USD 6.5 cents (P50=USD 1) na kinabibilangan ng gastos para sa logistik.

“Even with the delays in delivery of microsyringes, we made sure that we can still administer the Pfizer vaccines that we procured by using tuberculin syringes. The government together with LGUs and the private sector is working hard to increase our vaccine coverage to protect more Filipinos against COVID-19. Through our bayanihan, we achieved 2.82 million jabs in one day,” ayon kay  Secretary Vivencio “Vince” Dizon, Presidential Adviser on COVID-19 Response.

Dagdag pa rito, bumili din ang DOH ng 100 milyong piraso ng 0.5ml AD syringes noong Abril 2021 sa halagang P2.38 bawat piraso, mula sa paunang naaprubahang badyet na P2.50 bawat piraso. Kaya naman, P2.38 bawat piraso o USD 4.8 cents (PhP 50 = USD 1) ang ginamit bilang batayan para sa patuloy na emergency procurement  ng isa pang batch ng 50 milyong piraso ng 0.5ml AD syringes.

“We are continuously ensuring enough supplies of syringes for our COVID-19 vaccination program – noting that 0.3ml syringes are different from 0.5ml syringes, and as such would have varying prices. We assure the public that the DOH is continuously ensuring a sufficient stockpile of syringes and that processes to obtain these are consistent with the provisions of RA 9184 or the Government Procurement Act,” sinabi naman ni  Atty. Charade Mercado-Grande, Undersecretary ng Health Regulation Team.

Nilinaw din ng NTF na walang tinanggihang Moderna vaccines ang tinanggihan ang gobyerno ng Pilipinas. Sa katunayan, nakatanggap ang Pilipinas ng 3,000,060 Moderna vaccine mula sa US sa pamamagitan ng COVAX facility noong Agosto 3, 2021. Walang ibang alok na bakuna sa Moderna ang natanggap ng Vaccine Cluster.

“For the record, we have not rejected any Moderna vaccines that were offered to the Philippine government. These vaccines are essential in achieving our goal of providing additional protection to Filipinos against COVID-19. And it is towards saving more lives and defeating the pandemic that the whole of government and the entire nation should work together. I also enjoin everyone to participate in the National Vaccination Days on December 15-17 by volunteering, promoting, or getting vaccinated during the event. Let us live out the Bayanihan spirit upang masigurado nating LIGTAS ang lahat at maipakita ang LAKAS ng buong Pilipinas,” ayon naman kay  NTF Chief Implementer and vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden