Sapat na suplay ng kuryente sa tag-init, siniguro ng DOE

Sapat na suplay ng kuryente sa tag-init, siniguro ng DOE

December 15, 2022 @ 8:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Energy (DOE) na magiging sapat ang supply ng enerhiya pagdating ng tag-init sa susunod na taon, ayon kay Energy Undersecretary Felix William “Wimpy” Fuentebella.

“We have to come up with all solutions for different scenarios. So, even if we are projecting a confident outlook, we’re still running scared in the sense that it’s our job to make sure that we are coordinated well and we manage each scenario well,” ani Fuentebella.

Ipinunto niya na ang pagkawala ng kuryente ay maaaring sanhi ng mga problema sa transmission o distribution, at hindi lamang kakulangan ng supply.

Ayon sa opisyal, ang ikalawang quarter ng taon ay kadalasang pinaka-kritikal para sa sektor ng enerhiya, kapag ang tag-araw ay nasa peak nito. Ito rin ay kapag ang yellow at red alert status ay maaaring itaas, “depende sa senaryo.”

“Binabantayan talaga ang second quarter. That’s where the policy on no leave of absence for the generators, which is the grid operation and maintenance program,” dagdag pa ng opisyal.

Kabilang sa mga kumpanyang inaasahang magbibigay ng supply sa Abril 2023 ay ang Atlantic, Gulf, and Pacific Co. – at lokal na unit na Linseed Field Power Corporation, gayundin ang First Gen Corporation. RNT