Sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng taas-presyo sa mga bilihin, tiniyak ng PH gov’t

Sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng taas-presyo sa mga bilihin, tiniyak ng PH gov’t

June 25, 2022 @ 11:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na prayoridad ng pamahalaan na paghusayin ang suplay ng pagkain sa domestic market  para ma- manage  ang  tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa isinagawang  online forum ng  Philippine Consulate General New York, araw ng Biyernes,  sinabi ni Lopez na bahagi ng estratehiya ng pamahalaan ang tiyakin na may sapat na suplay ng pagkain para mapagaan ang mataas at tumataas na presyo ng mga panguanhing bilihin.

“From our end, we cannot control the oil prices,”  ayon kay Lopez  sabay sabing  “What we can do is support our agriculture sector. Any kind of support like machinery, mechanize them to improve their productivity. Fertilizers as well, and other support programs for our farmers and fisherfolk.”

Habang sinusuportahan ang  local agriculture sector na mapabuti ang kanilang productivity, sinabi ni  Lopez  na “it is also a critical solution in the near-term to relax importation rules to increase the supply of products in the domestic market.”

“Importation is a big issue in our country. Many producers oppose this. But remember, with this issue of rising prices, the government’s priority is the food supply available and for the prices not to further increase because we are feeding 110 million Filipinos, ” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa rin niya na upang masiguro na makatutulong ang importasyon na mapagaan ang inflation,  dapat aniya na mapagaan din ang  tariff at non-tariff barriers.

“These include measures in lowering to eliminating import duties as well as facilitating the free flow of trade,” ayon kay Lopez.

Idinagdag pa niya na ang mga inisyatibang ito ay naglalayong payagan ang bansa na i-record ang  inflation rate  sa loob ng 5-percent level nitong buwan ng Mayo, kumapara sa  inflation na  8.6% ng Estados Unidos sa kahalintulad na buwan.

Aniya, “the faster inflation rate across the globe is mainly due to the rising oil prices amid the Ukraine-Russia war, which also affected the global trade of other commodities such as wheat, corn, and fertilizers, among others.” Kris Jose