Sapat na tulong para sa Bulusan evacuees tiniyak ng DSWD

Sapat na tulong para sa Bulusan evacuees tiniyak ng DSWD

June 9, 2022 @ 5:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na may sapat itong resources  para tulungan ang mga apektado ng phreatic eruption ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na  P390,000  halaga ng family food packs at hygiene kits  ang naipamahagi na sa  Juban, Sorsogon, ‘as of June 8.’

“We have enough resources. Based on the June 8 report, we have P5 million worth of food on stockpile in Region 5. These are on standby in case additional food packs are needed,” ayon kay Dumlao sa Laging Handa public briefing.

“There are also P611 million worth of standby funds in the central office and P1 billion in regional offices that we can use to help those who are affected by the ashfall in Bulusan. The DSWD stands ready to assist them,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  na inaasahan na nila na ang mga residente na nilikas dahil sa  Bulusan Volcano’s activity sa Sorsogon  ay makababalik na rin sa kani-kanilang tahanan sa loob ng linggong kasalukuyan.

Base sa naitala ng NDRRMC , may  406 katao o 118  pamilya ang inilikas at dinala sa  dalawang  evacuation centers sa Tughan, Juban,  dahil sa naging aktibidad at paggalaw ng bulkan.

Nauna nang sinabi ng NDRRMC  na  plano nitong permanenteng
i-relocate  ang lahat ng pamilyang nananatili sa loob ng ‘four-kilometer radius permanent danger zone’ ng Bulusan Volcano. Kris Jose