“Sapatos ni SAP, Tsinelas ka-Swap” sa mga biktima ng sunog sa Jolo

“Sapatos ni SAP, Tsinelas ka-Swap” sa mga biktima ng sunog sa Jolo

July 30, 2018 @ 6:31 PM 5 years ago


 

Jolo, Sulu – Binalikan ng mga supporters ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang mga biktima ng sunog sa barangay Busbus, Jolo, Sulu upang mamigay ng mga sapatos at iba pang tulong.

Ayon sa grupo, isinagawa ang relief operations sa Lamnayong Elementary School bilang suporta nila sa adbokasiya ni Kuya Bong Go na “Sapatos ni SAP, Tsinelas ka-Swap”.

Ang supporters ni Tatay Digong at Kuya Bong Go ay binubuo ng youth leaders, volunteers at mga Kapatut Bangsa Sug Inc. o KBS mula sa lalawigan ng Sulu at mga kalapit na bayan mula sa Tawi-Tawi.

Maliban sa mga ito, marami ding indibidwal ang nakiisa sa event at nangakong magbibigay ng dagdag na assistance sa mga susunod na araw.

Ito anila ay bilang pagtugon sa patuloy na panawagan ni SAP Go na tulungan ang mga nangangailangan at biktima ng kalamidad.

Matatandaang noong isang Linggo ay bumisita sina Pangulong Rodrigo Duterte at SAP Bong Go sa mga nasunugan sa Jolo Sulu kung saan nangako din ang pangulo na magbibigay siya ng mga firetrucks para sa mas mabilis na pagresponde sa mga kahalintulad ng insidente. (Kris Jose)