Sapilitang pagbabakuna sa mga guro, pinag-uusapan na – Duque

Sapilitang pagbabakuna sa mga guro, pinag-uusapan na – Duque

March 2, 2022 @ 4:39 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na tinitingnan na nila ang posibilidad ng pag-uutos sa mga guro na magpabakuna laban sa COVID-19, sa gitna ng expansion phase ng face-to-face classes at ang de-escalation ng 39 na lugar sa buong bansa sa Alert Level 1.

Nang tanungin sa isang panayam ng ANC kung tinitingnan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na i-utos ang pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga guro, sinabi ni Duque, “Oo, pinaguusapan nga ‘yan.”

“In fact in some of our IATF (Inter-Agency Task Force) meetings, si Secretary Leonor Briones has been very, very front about it na malaking problema kung may mga teachers na anti-vaxxers, ayaw magpabakuna. ‘Yan naman ay tinitignan na natin,” ani Duque.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Duque na mas maraming mga guro ngayon ang nais na mabakunahan kung saan nasa walong porsyento na lang ang vaccine hesitancy sa bansa.

“Sa tingin ko iyon ay isang magandang indikasyon o isang senyales na ang mga tao ngayon ay lalong naniniwala sa proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna at maaari nilang samantalahin ito,” dagdag pa ng health chief.

Nitong Lunes, sinabi ng DepEd na may kabuuang 1,726 na paaralan ang nagsimula ng kanilang limitadong face-to-face classes.

Sa yugto ng pagpapalawak, tanging ang mga nabakunahang guro lamang ang maaaring lumahok sa mga in person classes.

Samantala, sinabi pa ni Duque na noong Pebrero 28, may humigit-kumulang 736,000 bata na may edad lima hanggang 11 ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng mga bakuna laban sa COVID-19, habang mayroong 9.2 milyon para sa edad na 12 hanggang 17.

“Iyan ay 80%, higit pa o mas kaunti, ng aming target na populasyon na 11.4 milyong pediatric na populasyon na 12 hanggang 17 taong gulang]. Pero ‘yung mababa pa rin natin ‘yung sa 5-11 [of which] we have total target population of 14 million, more or less, and doon sa coverage natin nasa 5.09%,” ulat pa ni Duque. RNT