Sapul ng COVID sa PNP, nasa 24,834 na

Sapul ng COVID sa PNP, nasa 24,834 na

June 7, 2021 @ 8:09 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 24,834 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police, Linggo.

Ito ay matapos dumagdag ang 146 bagong kaso, habang 83 naman ang gumaling dahilan para umabot sa 22,970 ang total recoveries.

Walang naidagdag sa bilang ng nasawi na nananatili sa 68.

Sa ngayon, nasa 1,796 aktibong COVID-19 cases ang naitatala sa police organization. RNT