Sara dinumog sa Isabela

Sara dinumog sa Isabela

February 15, 2022 @ 4:48 PM 5 months ago


ISABELA-Dinumog ng libu-libong mga Isabeliño si Mayor Inday Sara Duterte na kumakandidatong bise presidente sa kanyang campaign rally ngayong araw, (February 15, 2022) dito sa lalawigan ng Isabela.

Lumapag ang sinakyang eroplano ni Mayor Sara sa Cauayan City Airport kung saan sinalubong siya ng kanyang kapartidong sina Isabela Governor Rodito Albano III, Vice Governor Bojie Dy at iba pang opisyal ng lalawigan.

Bago humarap sa mga mamayan at supporter nito sa lalawigan ay nagtungo muna sa Our Lady of the Pilar Parish Church sa Cauayan City para magsimba.

Kasama ni Mayor Sara sina senatorial candidate Mark Villar, Gibo Tedoro at dating spokesperson Harry Roque.

Matapos magsimba ay agad nagtungo ang team ni Sara sa Queen Isabela Park sa Ilagan City kung saan naghihintay ang libu-libong mga tagahanga at supporter ng UniTeam.

Kabilang ang lalawigan ng Isabela na balwarte ng UniTeam dahil kay dating Senator Bongbong Marcos na tumatakbo ngayon presidente ng bansa na kapwa nito ilocano.

Bagamat hindi nakadalo si BBM sa campaign rally sa lalawigan ay ipinagmalaki ni Isabela Gov. Rodito Albano III ay makakuha pa rin ng malaking boto sa mga Isabeliño’s

“Ito talaga (Isabela), Marcos country, noon pa, dahil sa ginawa ng tatay niya [Ferdinand Marcos Sr., tahasang ipinahayag ni Isabela Gov. Rodito Albano

Pagkatapos ng aktibidad ay agad dumiretso sa Tuguegarao City ang team ni Sara kung saan nagsagawa rin ng campaign rally sa probinsya ng Cagayan.

Samantala, nakatakdang magkikita sila ni BBM sa Ilocos Norte kung saan sila magsasagawa ng malawakang campaign rally sa balwarte at hometown ng mga Marcos. Rey Velasco