Sara Duterte-Carpio sa supporters: Ipagdasal natin si BBM

Sara Duterte-Carpio sa supporters: Ipagdasal natin si BBM

January 17, 2022 @ 1:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Nanawagan ng dasal si Vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga tagasuporta nito para sa kanyang running mate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

“Atin pong samahan si BBM sa mga sandaling ito sa pagninilay at pagdarasal. Salamat po sa inyong walang humpay na suporta,” lahad ng mayor sa tweet.

“Sa pagkakaisa ay mayroong lakas. Mahalin po natin ang Pilipinas [In unity there is strength. Let’s love the Philippines]…REAL PEOPLE POWER,” dagdag pa nito.

Nauna na ngang napabalita na ibinasura ng Second Dividion ng Comelec ang petisyon na nagkakansela sa certificate of candidacy ni Marcos sa pagka-Pangulo.

Samantala, mayroon pang dalawang disqualification case ang naka-pending laban kay Marcos Jr. RNT/FGDC