Sara Duterte, hindi tatakbo para sa national post – Pang. Duterte

Sara Duterte, hindi tatakbo para sa national post – Pang. Duterte

August 1, 2018 @ 10:35 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ay hindi tatakbo para sa national post, kahapon (July 31).

Sinabi ito ng Pangulo habang ipinapahayag ang kaniyang pagsuporta sa anti-political dynasty law sa kaniyang talumpati sa selebrasyon ng 68th National Security Council and 69th National Intelligence Coordinating Agency Founding Anniversary.

“I am in favor of putting up a very — a dynasty law. Okay ako, wala akong problema. Ang anak ko, si Inday, I can tell you I know her. Hindi magtatakbo ‘yan ng national. Ganun lang ‘yan,” sabi ni Duterte

Kamakailan, sa inilabas na survey ng Pulse Asia nitong June, si Sara ay nasa ikatlo hanggnag ikalimang pwesto para sa pwesto ng pagkasenador.

Bukod pa rito, matagumpay rin na na-accredit ang bagong regional party na ni Sara na tinawag na “Hugpong ng Pagbabago” o Alliance for Change ng Commission on Elections (Comelec). Remate News Team