Sara Duterte nakipagkita kay ex-prexy Arroyo

Sara Duterte nakipagkita kay ex-prexy Arroyo

July 14, 2021 @ 7:18 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte na nakipagkita ito kay dating president Gloria Macapagal Arroyo upang komunsulta.

Sinabi ni Mayor Sara sa GMA News na nagkita sila ng dating pangulo sa isang pananghalian ngunit hindi sinabi ang dahilan ng pagkikita.

Una nang sinabi ng alkalde na hindi ito tatakbo sa mataas na posisyon sa gobyerno ngunit nitong nakaraang linggo sinabi nitong bukas siya sa pagtakbo bilang pangulo. RNT/ELM