Sara Duterte nakipagkita sa 9 NCR mayor

Sara Duterte nakipagkita sa 9 NCR mayor

December 9, 2021 @ 1:11 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nakipagkita si Vice presidential aspirant Sara Duterte sa siyam na mayor ng Metro Manila kahapon, Disyembre 8.

Partikular na rito sina Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque, Oca Malapitan ng Caloocan, Francis Zamora ng San Juan, Toby Tiangco ng Navotas, Marcy Teodoro ng  Marikina, Rex Gatchalian ng Valenzuela, Emi Calixto ng Pasay, Menchie Abalos ng Mandaluyong, at Abby Binay ng Makati.

Sinabing nagtanghalian ang mga ito sa isang hotel sa Ortigas.

Dinaluhan din ito nina Las Piñas Vice Mayor April Aguilar, Pasig City Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo, at MMDA Chairperson Benhur Abalos.

Samantala, nagpasalamat naman si Inday sa suporta at pagkakaibigan ng mga ito.

“Maraming salamat po sa inyong suporta at pagkakaibigan,” lahad nito sa social media post. RNT/FGDC