Sara Duterte, ‘no comment’ sa pagpapatalsik kay speaker Alvarez

Sara Duterte, ‘no comment’ sa pagpapatalsik kay speaker Alvarez

July 23, 2018 @ 1:25 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tikom ang bibig ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa mga ulat na may kinalaman siya sa planong pagpapatalsik kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Nang tanungin tungkol sa isyu, sinabi ni Duterte na, “No comment.”

Pumutok ang balita tungkol sa usap-usapang plano ng ilang mga mambabatas na patalsikin si Alvarez nitong weekend kung saan papalitan siya ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kaibang panayam, sinabi ni Deputy Speaker Gwen Garcia na ang planong pagpapatalsik kay Alvarez ay bahagyang napag-usapan ng mga miyembro ng caucus ng House of the Representative kaninang umaga (July 23).

Sa isang ambush interview naman sa kalaban ni Alvarez na si Davao del Norte Representative Antonio Floirendo, sinabi nitong narinig nita ang plano ngunit tumangging magbigay ng karagdagang impormasyon.

Tinawanan lang naman ni Majority Leader Rodolfo Fariñas ang naturang plano. (Remate News Team)