Sara Duterte: Pagpapalit sa kasaysayan ng martial law mahirap, ‘di prayoridad

Sara Duterte: Pagpapalit sa kasaysayan ng martial law mahirap, ‘di prayoridad

May 15, 2022 @ 9:15 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Tumugon si presumptive Vice President Sara Duterte sa mga pangamba na babaguhin niya ang kasaysayan ng martial law kapag nanungkulan na bilang Education Secretary, at sinabing magiging mahirap ito at hindi prayoridad.

Iginiit din niya na mayroon siyang executive experience kahit na hindi siya eksperto sa education field.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) nitong Huwebes na si Duterte, na nakatakdang mamuno sa Department of Education (DepEd) sa susunod na administrasyon “has no track record” sa pagtugon sa mga problema sa sistema ng edukasyon.

“Once we get that mandate of proclamation of winners galing sa ating (from our} Congress, we will sit down with Secretary Briones para meron tayong magandang transition at walang break sa ginagawa from the administration of President Duterte to the administration of President Marcos,” ani Duterte sa isang ambush interview sa San Isidro, Northern Samar.

Gayundin, iginiit ni Duterte na gagawin niyang mandatoryo ang military service subalit hindi ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Nauna na niyang inihayag na isusulong niya sa Kamara na magpasa ng panukala “that will make military service mandatory for all 18-year-olds” sa bansa. RNT/SA