Sara Duterte wala pang desisyon sa pagtakbo bilang presidente sa 2022

Sara Duterte wala pang desisyon sa pagtakbo bilang presidente sa 2022

June 3, 2021 @ 6:15 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na wala pang desisyon si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa pagtakbo bilang presidente sa eleksyon.

“Ang alam ko ay wala pa pong desisyon ang ating Davao City mayor. Wala pa rin pronouncement na siya po ay tatakbo bilang pangulo bagamat marami po ang nagnanais na siya nga po ay tumakbo,” ani presidential spokesman Harry Roque sa isang press briefing.

Ito ay matapos isiwalat ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na tatakbo ito sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan sa susunod na eleksyon.

Matatandaang hindi hinikayat ni Pangulong Duterte ang anak nitong si Mayor Sara na tumakbo bilang presidente dahil hindi ito trabaho ng isang babae.

Si Mayor Sara rin ang chairperson ng political coalition Hugpong ng Pagbabago.

Kamakailan sinabi nito sa mga taga-suporta na maghintay sa pagtakbo bilang pangulo sa 2034. RNT/ELM