SARA GAMIT NG MGA ILIGALISTA

SARA GAMIT NG MGA ILIGALISTA

April 28, 2022 @ 8:42 PM 2 months ago


SANA hindi totoo ang kumakalat na balita sa Region 4A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) area na ipinananakot ng mga iligalista ang isang ‘Inday Sara’ sa kanilang vice operations.

Maghunos-dili sana ang mga iligalista sa pagbanggit sa pangalang ‘Inday Sara’ dahil sa mga malilikot ang isip, baka isiping ito ay ang Vice Presidential candidate na si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio.

Magkagayunman, hindi dapat ipagwalang-bahala ang balitang ito ni R4A director Brig. Gen. Antonio Yarra dahil nakasisira ito sa imahe ni Mayor Sara, lalo na’t tumatakbo itong Vice President.

Kung paano ipinananakot si “Inday Sara’, ito’yhindi klaro pero ang maliwanag sa atin, ayon na rin sa ating police insiders, hindi nila ito makanti dahil binabanggit ng mga vice operator ang pangalang ‘Inday Sara’.

Bukod sa pagkakaladkad sa pangalang ‘Inday Sara’, ang ipinagtataka ng mga residente ay kung bakit ang mga poster ni Mayor Sara ay nakabuyangyang sa mga kilalang gambling den na malayang nag-ooperate sa lugar.

Sa mga mapanuring botante, tiyak daw na masama sa tingin nila na ang mga campaign material ni Mayor Sara ay nakadikit o nakapako sa gambling houses, tulad ng bolahan ng jueteng, peryahan at iba pang vice dens.

Ito ang mga lugar na tila ‘binabastos’ si Mayor Sara dahil sa walang pakundangang pag-display ng kanyang posters, tulad ng pergalan sa Noveleta, Cavite; Brgy. Quilib at San Carlos sa Rosario – na lahat ay pinatatakbo ng mag-inang Mely at Noemi.

May Sara posters din sa bolahan sa Brgy. Subukin ni Jocy, Brgy. Tipaz ni Danny Bakla, parehong nasa munisipalidad ng San Juan, Batangas; Brgy. Sta. Maria, ni Larry Bokbok, Brgy. San Pedro ni Liza ng Sto. Tomas City; at Brgy. Kawit, ni BNeth sa Taal.

May pwesto rin sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal nina Cris at Junjun Mustica at Brgy. Lankiwa sa Biñan City ni Atieza at Mistica.

Maaring hindi alam ni Mayor Sara na naging panauhin ito ng samahan ng mga gambling lord, hindi lang sa Calabarzon kundi sa buong Luzon, sa ‘event’ nila.

Ang siste, ang litrato ng gambling operators na ito na kasama si Mayor Sara na kuha nang siya ay naging panauhing pandangal ay kumakalat din sa iba’t ibang sulok nghurisdiksiyon ni Gen. Yarra.

Hindi makabubuti, kundi makasisira ito sa kandidatura ni Mayor Sara.

Bago pa marinig kayPangulong Digong ang salitang ‘pestengyawa’, aba’y kumilos ka na Gen. Yarra.

O kilos na!