Sara: Gusto ko munang tapusin huling termino ko sa mayor

Sara: Gusto ko munang tapusin huling termino ko sa mayor

October 7, 2021 @ 6:46 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – “Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position.”

Ito ang diretsyang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga tagasuporta na umuudyok sa kanya na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022 elections.

“Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo,” saad niya sa kanyang Facebook post.

Nauna nang naghain ng Certificate of Candidacy si Sara para sa reelection sa pagka-alkalde ng Davao City.

Kapag nanalong alkalde, ito na ang magiging ika-apat na termino ni Sara: una noong 2010 hanggang 2013, tapos 2016-2019 at 2019 hanggang 2022.

Ilang beses nang nanguna si Sara sa mga isinagawang pre-election surveys bilang presidential contender sa 2022 elections.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pag-anunsyo niya ng pagreretiro ng politika ang posibilidad na Sara at Bong Go tandem sa presidential at vice presidential bid sa 2022 elections. RNT


  •  
  •  
  •