Sara kinontra si PRRD; walang pag-uusap kay Imee sa pagka-VP

Sara kinontra si PRRD; walang pag-uusap kay Imee sa pagka-VP

August 31, 2021 @ 1:02 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pahayag ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pakikipagtandem kay Senator Imee Marcos sa 2022 elections.

“Talks or meetings with Sen Imee for VP never happened,” lahad ni Sara sa tweet ng GMA News.

“Si Imee ganito ang laro niyan eh. pinuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao hoping na magtakbo yun siya ang maging bise. Eh hindi naman tatakbo, sabi ni Mayor Sara Duterte hindi siya magtakbo,” lahad ni Pangulong Duterte sa kanyang taped briefing.

Sa ngayon, wala pang pahayag si Imee sa political plans sa 2022 ngunit bukas sa pagtakbo sa pagka-presidente. RNT/FGDC