Sara mas PDP kaysa Pacquiao – Cusi

Sara mas PDP kaysa Pacquiao – Cusi

July 13, 2021 @ 12:49 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iginiit ni PDP-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi na mas kapartido pa si Davao City Mayor Sara Duterte kaysa kay Senator Manny Pacquiao.

“And kung si Mayor Inday Sara po, ang sabi ko nga po, she was a PDP, she was a PDP more than Manny Pacquiao. Because she has used the [Certificate of Nomination and Acceptance] of PDP, Manny Pacquiao has not used the CONA of PDP,” ani Cusi sa isang panayam ng ANC.

Ito ang komento ni Cusi sa posibilidad na suportahan ng partido sa pagka-presidente sa susunod na eleksyon si Mayor Sara.

“It is possible, but it has to go through a process in accordance to the by-laws, the constitution and by-laws of the party,” ayon sa vice-chair ng PDP-Laban.

Saad pa ng opisyal na tumakbo si Mayor Sara sa pagka-alkalde sa ilalim ng PDP.

“‘Yung nanay ni Pangulong Duterte, si Pangulong Duterte, at si Mayor Inday Sara, they are all PDP until nagkaroon nga po nitong Hugpong [ng Pagbabago],” aniya.

Si Mayor Sara ang chair ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), isang regional political party ng Davao Region. RNT/ELM